• Fri. Oct 18th, 2024

    TFOE-PE Central Luzon Region LXXX

    Service through Strong Bond of Brotherhood

    Mandaluyong Eco Eagles Club: Pagtulong sa Nasunugan sa Addition Hills, Mandaluyong City

    Noong ika-29 ng Abril, 2024, isang malagim na pangyayari ang nagtulak sa Mandaluyong Eco Eagles Club na kumilos sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Addition Hill, Mandaluyong City. Sa pangunguna ni Kuya Pres. Jay M. Lizardo at ng kanilang pamunuan, ang kanilang Club ay agad na kumilis upang gumawa ng aksyon upang ipakita ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad. Naglunsad ang club ng agarang relief operation upang maibsan ang hirap at sakit ng mga pamilyang nawalan ng tahanan.

    Ipinadama ng Mandaluyong Eco Eagles Club ang taos pusong pag-alalay ng Agila sa komunidad. Isang natatanging katangian ng Eagles club ang aktibong humanitarian services. Handa ang buong Mandaluyong Eco Eagles Club para sa gaeain ng pagtulong.

    Isang magandang ehemplo ang ipinakita ng MEEC sa kanilang komunidad. In behalf of CLR LXXX, ang MEEC ay nagpakita ng katangian ng buong rehiyong Agila ayon sa kanilang konteksto.

    Mabuhay ang Mandaluyong Eco Eagles Club!

    Mabuhay ang CLR LXXX!

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    ×